My Ate Emrey
January 25th, 2010
Kahapon pumunta kami ni mommy and Klara sa ShibuyaTokyo para dalawin yung ate ko na matagal ko na di nakikita. First time nya nakita si Klara at ngayon ko lang din na-meet anak nya na 4 yrs old na. Enjoy kahapon dami ko nakain. Gusto ko nga bumalik dun and tumira kasama sya kase maganda sa place na yun. Shibuya ba naman eh nandun magagandang shopping malls hehe. Kasama ko rin kahapon pinsan ko at 3 kids nya. Gusto ng pinsan ko dun muna kami tumira ni Klara sa kanila.. sobrang lapit lang ng Sanrio Puroland sa bahay nila kaya nag-iisip ako ngayon kung kaninong bahay kami magbabakasyon. Ang laki ng problema ko LOLZ hehehe… Bukas malalaman ko kung matutuloy ba ako sa bahay ng pinsan ko, kase susunduin nya daw kami ni Klara bukas. Basta gumawa na ako ng checklist kung ano mga dadalhin ko para siguradong wala ako malilimutan. Balak ko 2 weeks kami dun. Hehe. Pero gusto rin ng ate ko matulog kami ni Klara sa bahay nya, tapos pasyal at shopping daw nya ako sa Shibuya 109. Sabe ko kase sa kanya wala ako masyadong bagong damit gagamitin pang spring.. Ohh sheeet.. i love that place! Naalala ko nung pumunta kami ni Jays (of www.babydoll.nu) last december 2008.. Ang sarap don ang daming cute stuff! Kung pupunta ako don ayoko isama si Klara lolz. Kase gusto ko talaga mag-ikot ikot dun haha.. ang kulit kase ni Klara eh takbo pa ng takbo.. Di ko naman sya puede iwanan. At ayoko syang iwanan. Hmm sino kaya mahila para makatulong ko pag assist kay Klara sa pamamasyal.. dapat may taga–karga ako hehe! Hassle kase mag stroller sa Shibuya 109. Ah basta bahala na nuh! Baboosh!




